Pumalo na sa 48.43 % ang natatapos na gawin o completion rate sa LRT-1 Cavite Extension Project.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), minamadali na nila ang naturang proyekto dahil sa ilang dekada at ilang administrasyong hindi ito umuusad.
Target kasi ng DOTr, Light Rail Manila Corporation (LRMC) at ng Bouygues Construction na magsagawa ng partial operation ang naturang proyekto pagsapit ng susunod na taon.
Mababatid ang naturang extension project ay mula Baclaran at magtatapos hanggang sa Bacoor sa Cavite.
Iginiit din ng transportation department at mga kumpanya na kasama sa naturang proyekto na oras na matapos ang extension project, ay aabot na lamang sa 25 minuto ang byahe hanggang Cavite mula sa kasalukuyang travel time nito na aabot sa higit 1 oras.