Hindi magtataas ng presyo sa pasahe ang Light Rail Transit (LRT-1) matapos hindi aprubahan ng Department of Transportation (DOTR) ang hirit sa taas pasahe sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay DOTR Undersecretary Timothy John Batan, tali ang kamay ng departamento sa panukalang pagtaas ng pamasahe ng LRT-1.
Matatandaang sinampahan ng kaso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) noong unang bahagi ng buwan ang DOTR at light Rail Transport Authority (LRTA) dahil sa kawalan ng aksyon sa kanilang fare adjustment applications.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng DOTR ang susunod na hakbang hinggil sa kasong inihain ng LRMC.
Sa kasalukuyan, ang halaga ng pasahe sa LRT-1 ay mula 15 pesos hanggang 30 pesos.