Kinumpirma ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang pribadong kumpanyang may hawak sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang pagbabawas nila ng workforce.
Ito ay bunsod ng 90% pagbaba sa ridership ng train system bilang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa LRMC, umaabot sa 100 o halos 20% ng workforce ng LRT-1 ang natanggal.
BASAHIN: LRT-1, magbabawas ng workforce dahil sa nararansang COVID-19 pandemic | via @officialLRT1 pic.twitter.com/9zcYBcLSxZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 11, 2020
Paliwanag ng LRMC, dumaan sa ilang antas ng pag-uusap mula sa senior management committee at unyon ng mga empleyado ng LRMC ang nabanggit na desisyon.