Pinababa ang mga pasahero ng LRT o Light Rail Transit Line 1 kasunod ng paglabas ng usok sa isa sa mga bagon nito kaninang umaga.
Ayon kay LRT – 1 Corporate Communications Head Rochelle Gamboa, pinababa ang mga pasahero sa Bambang station para sa mas kanilang kaligtasan habang pinulll – out naman ang tren para mainpeksyon.
Agad namang nag deploy ng isa pang tren para serbisyuhan ang mga naabalang pasahero.