Pinalawig muli ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) ang kanilang biyahe ngayong holiday season.
Ito na ang ikalawang beses na nagpatupad ng adjustment sa operating hours ang LRT-1 para sa kapaskuhan.
We heard you! We are extending our operating hours starting TODAY (Dec 11) until Dec 31, 2019. More time for your #LRT1 trips this holiday seasonMake sure you’re guided by the train service schedule below so you can plan your trips ahead. Ingat po sa biyahe! pic.twitter.com/7d2GOaLXj5
— LRT-1 (@officialLRT1) December 11, 2019
Sa abiso ng LRT management, magbubukas ang kanilang Roosevelt at Baclaran stations ng alas-4:30 ng umaga, subalit, tuwing Lunes hanggang Sabado –ang huling biyahe ng tren mula sa Baclaran ay bibiyahe na ng alas-11 ng gabi at ang huling tren naman mula sa Roosevelt ay aalis na ng alas-11:15 ng gabi.
Mananatili namang alas-9:30 ng gabi at alas-9:45 ng gabi ang last trips kapag Linggo.
Samantala, ang schedule ng last trip sa December 24 ay alas-8 ng gabi mula Baclaran at Roosevelt; December 25 (Christmas Day) at December 30 (Rizal Day) ay alas-9:30 ng gabi mula Baclaran at alas-9:45 mula Roosevelt at December 31 ay alas-7 ng gabi mula Baclaran at Roosevelt.