Dismayado ang mga pasahero ng LRT line 1 kaninang umaga nang makitang sarado ang Roosevelt Station.
Una nang inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pansamantalang pagsasara ng LRT 1 Roosevelt Station mula September 5 hanggang December 28 para sa konstruksyon ng common station upang maserbisyohan ang LRT 1, MRT 3, MRT 7 at Metro Manila Subway.
Ayon sa mga pasahero abala ang pagsasara ng Roosevelt Station dahil kailangan pa nilang mag-bus mula rito para makarating ng Balintawak Station.
Samantala sa LRT 1 Balintawak Station alas 5:00 pa lamang ng madaling araw ay mahaba na ang pila ng mga pasahero na kadalasang sumasakay ng tren sa Roosevelt Station patungo ng Balintawak.
Mas humahaba pa ang pila dahil sa ipinatutupad na physical distancing.