Tatlong araw bago magsagawa ng taunang maintenance tuwing Mahal na Araw ang Department of Transportation (DOTr) sa Metro Rail Transit line 3, Light Rail Manila Corporation (LRT-1) at Light Rail Transit Authority (LRT 2) at Philippine National Railways (PNR), muling pinaalala ng departmento ang petsa ng isasagawang maintenance sa mga tren.
Kung saan mula ika-labing apat hanggang ika-labing pito ng Abril tigil operasyon muna ang LRT 1 at 2 habang April 13 hanggang 17 naman ang MRT 3 at ika-labing apat hanggang ika-labing anim naman ng Abril ang tigil operasyon ng Pnr para sa taunang maintenance.
Habang sabay namang magbabalik operasyon ang LRT 1, 2 at MRT 3 sa April 18 at mauunang magbalik operasyon ang PNR sa april 17.
Paalala ng DOTr sa mga byahero ngayong holy week patuloy na sumunod sa health at safety.