Balik operasyon na simula ngayong araw, ika-22 ng Enero ang tatlong istasyon ng LRT line 2.
Sa inilabas na pahayag ng LRT line 2, bago ang tuluyang pagbabalik operasyon ng lahat ng biyahe sa lahat ng istasyon nito, kanila munang isinagawa ang ‘test run’.
Nauna rito, itinigil ang operasyon ng tatlong istasyon ng LRT line 2 na kinabibilangan ng Santolan, Katipunan, at Anonas, dahil sa sunog na naganap noong October 2019.