Nakatakda nang simulan ang konstruksyon ng LRT Line 2 East Extension mula Santolan, Pasig hanggang Masinag, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay Transportation Secretary Jun Abaya, nagkakahalaga ang naturang proyekto ng P2.2 billion pesos na pasisinayaan ng contractor nito na D.M. Consunji Incorporated.
Sa ilalim ng East Extension Project, magkakaroon ng karagdagang 4.2 kilometers sa LRT 2 at dalawa pang istasyon.
Sa oras na matapos ang proyekto ay asahan nang bibiyahe ang mga tren ng LRT-2 sa ikatlong quarter ng taong 2017 na magreresulta sa paglobo sa 75,000 pasahero kada araw.
Bukod sa East Extension, plano rin ng gobyerno na paabutin ang line 2 hanggang Pier 4 sa Maynila mula sa existing westbound end point sa Recto Avenue.
By Drew Nacino