Good news para sa mga kababaihan!
Magkakaroon ng free ride sa Light Rail Transit Line 2 o LRT 2 para sa mga kababaihan sa Marso 8.
Batay sa anunsyo ng Manila Public Information Office, ito’y bilang pakikiisa ng Light Rail Transit Authority sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Libre ang pamasahe ng mga babae simula alas syete ng umaga hangganga alas nwebe at alas singko ng hapon hanggang alas syete ng gabi.
Bahagi rin ito ng kanilang proyekyong “Serbisyo para kay Juana”.