Inihayag ng pamunuan ng LRT-2 na magpapatupad ito ng degraded operations sa huling dalawang weekend ng buwan ng Mayo.
Sa isang abiso, sinabi ng LRT-2 na ito’y bilang paghahanda sa pagbubukas ng line 2 east extension project sa susunod na buwan ng hunyo.
Ibig sabihin, simula ngayong araw, 22 ng Mayo hanggang bukas, 23 ng Mayo ay iiral na ang degraded operations.
Habang ang ikalawang weekend na iiral ang naturang degraded operations ay sa Mayo 29 at Mayo 30.
Paliwanag ng LRT-2 na sa pagpapatupad ng degraded operations, ang biyahe ng kanilang tren ay mula Araneta Center Cubao lamang hanggang Recto at pabalik.
Sa huli, pagtitiyak ng pamunuan ng LRT-2 na ang naturang hakbang ay para lamang matiyak nila na maayos ang gagawing integration test ng signaling system sa dalawang bagong istasyon.