Sinimulan na ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang paniningil ng pamasahe sa mga estudyante kasunod ng pagtatapos ng ‘’Libreng Sakay’’ program ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Nabatid na dismayado ang mga magulang at mag-aaral dahil imbis na makatipid sa kanilang gastusin ay nababawasan pa ang kanilang budget araw-araw.
Sa kabila ng 20% diskwento sa pamasahe sa LRT, iginiit ng mga estudyante na hindi umano nila ito napakinabangan ng matagal dahil ngayon lamang ibinalik ang face-to-face classes.
Dahil dito, kaniya-kaniyang paraan sa pagtitipid ang ilan, para makamenos sa kanilang gastusin kada-araw.
Umaasa naman ang mga estudyante na palalawigin pa ang libreng sakay program ng pamahalaan kung saan, mahigit isa’t kalahating milyon na ang nakinabang.