Sisimulan na sa Sabado, ika-17 ng Abril, ang pinaikling oras ng biyahe ng LRT Line 2 o alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Ito, Ayon Kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, ay para masiguro ang kaligtasan ng commuters sa gitna nang patuloy na pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, matapos halos 300 empleyado ng kumpanya ang nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi sa DWIZ ni Cabrera na isang shift ng kanilang workforce ang apektado kaya’t pagkakasyahin na lamang nila ang dalawang shifts sa kanilang pinaikling operasyon.
Balik aniya ang regular operating hours ng LRT-2 sa ika-2 ng Mayo.
This coming Saturday babaguhin natin ang ating schedule… ang dahilan dito is that nagkaroon tayo ng mass testing sa ating lahat ng mga personnel, mga empleyado ng LRTA, mga personnel ng maintenance, security personnel kasama, janitorial kasama,” ani Cabrera. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais