Sinuspinde ang byahe ng Light Rail Transit Line-2 (LRT-2).
Ayon sa abiso ng LRT-2, 11:24 a.m. nang pansamantalang suspindihin ang operasyon ng mga tren dahil sa nasunog na power rectifier malapit sa bahagi ng Katipunan Station.
ADVISORY: LRT-2 (@OfficialLRTA), pansamantala muling sinuspinde ang kanilang operasyon; ito’y matapos ang nangyaring technical glitches kahapon sa LRT-2 at MRT-3 pic.twitter.com/cm7Fhnns2w
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 3, 2019
Dahil dito, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera na nawalan ng power supply ang iba pang LRT stations.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-2 sa mga apektadong pasahero.
Inaasahang kaagad maibabalik ang biyahe mula Cubao Station patungong Recto Station at pabalik.