Suspendido ang buong operasyon ng LRT-2.
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Lyn Paragas, itinigil muna ang biyahe mula Cubao hanggang Recto stations at pabalik habang iniimbestigahan pa ang pagkasunog ng electrical room ng Santolan station, pasado alas-singko kaninang madaling araw.
Sinabi ni Paragas na kaagad silang magpapalabas ng advisory kung matutuloy ang biyahe ngayong araw na ito ng LRT-2.
Kaagad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para apulahin ang sunog sa electrical room kung saan naroon ang ups gadgets na ginagamit para ma-sustain ang railway system.
Walang biyahe ng mga tren sa nasabing istasyon simula pa noong Oktubre dahil din sa isang insidente ng sunog.