Magandang balita sa mga sumasakay ng MRT at LRT.
Magbibigay ng libreng sakay ang dalawang tren bukas mula ala-siyete ng umaga hanggang alas nuebe ng umaga at mula ala singko ng hapon hanggang ala siyete ng gabi.
Ito ang inanunsyo ng National Historical Commission of the Philippines at Philippine Information Agency para na rin sa paggunita ng Independence Day bukas.
Hindi naman na bago ang libreng sakay sa MRT at LRT, dahil kadalasan naman itong ibinibigay sa mga commuter tuwing may espesyal na okasyon ang bansa.
By: Jonathan Andal