Inaasahang sa taong 2020 matatapos ang kabuuan ng LRT Cavite Extension.
Ayon kay Project Manager Jun Canar itinakda nila sa March 6 ang ground breaking sa Phase 1 ng LRT Cavite Extension na tatakbo mula Baclaran hanggang Sucat.
Ipinabatid ni Canar na halos 90 porsyento na ang naresolbang mga problema sa naturang proyekto sa pagtatayo ng phase 2 at phase 3 ng proyekto.
Ang phase 2 ay tatakbo mula Sucat hanggang Las Piñas samantalang sakop ng phase 3 mula Las Piñas hanggang Bacoor.
By: Judith Larino