Sasalubungin ng taas presyo sa light rail transit o LRT-Line 1 ang bagong uupong pangulo.
Posibleng kasing sa Agosto, isang buwan matapos na manungkulan ang bagong administrayon ipatupad ang dagdag singil sa pasahe sa LRT Line 1.
Ayon kay David Nicol, Chief Financial Officer ng Metro Pacific, 10 porsyento ang inaasahang itaas depende pa sa regulatory approval.
Aniya, nakasaad sa ilalim ng PPP Contract na maaring magpatupad ng dagdag-singil sa pasahe kada dalawang taon.
Huling nagpatupad ng price adjustment sa pasahe sa naturang tren noong January 4, 2015 na dapat sana ay noong 2014 pa ginawa ngunit ipinagpaliban dahil matapos na umani ng pagbatikos.
Ang kumpanyang Light Rail Manila Corporation ng Metro Pacific Investment Corporation at Ayala Corporation ang syang nakakuha ng extension project ng LRT line 1 mula Metro Manila hanggang sa Cavite.
Ito rin ang syang nanguna sa operasyon LRT Line 1 simula noong September 2015.
By Rianne Briones