Nagsimula na ang drilling works o paghuhukay para sa gagawing pundasyon ng Light Rail Transit (LRT) line 1 extension project sa bahagi ng Dr. A.Santos Avenue sa Parañaque City.
Aabot sa 2.50 meters diameter ang mga bored piles na ipinuwesto na siyang magsisilbing haligi para sa rail extension na magdurugtong mula Baclaran hanggang Bacoor sa Cavite.
Mula nang simulan ang konstruksyon noong Mayo, sinabi ng Department of Transportation (DOTr)na nakumpleto na ang geotechnical investigation para sa viaduct at unang limang istasyon mula Redemptorist Road hanggang Dr. Santos.
Sa sandaling makumpleto na ang extension line ng LRT 1, asahan nang mapapagaan na ang biyahe mula Muñoz o Roosevelt station hanggang Cavite ng hanggang 25 minuto mula sa dating isang oras at 10 minuto.