Humihirit ng dagdag pasahe ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 na Light Rail Manila Corporation o LRMC.
Ayon kay LRMC President and CEO Juan Alfonso, P5 hanggang P7 dagdag sa pasahe ang kanilang hinihiling para sa end-to-end trip mula Baclaran hanggang Roosevelt stations.
Target aniya nilang ipatupad ang fare increase simula Agosto 1 subalit kailangan pa nitong dumaan sa public consultation at approval ng Department of Transportation o DOTr.
Sa ilalim ng concession deal ng gobyerno at private operator, maaaring magpatupad ng fare adjustment ng 10 percent kada dalawang taon.
Enero taong 2015 pa nang huling ipatupad ang fare adjustment sa LRT Line 1.
—-