Back to normal na ang operasyon ng LRT-2 kahapon, matapos ang nangyaring sunog sa Doroteo Jose sa Sta. Cruz, Maynila malapit sa Recto Station.
Kung saan balik na ang biyahe mula Recto Station hanggang Antipolo Station.
Habang nanatiling hindi pwedeng madaanan ang connecting bridge mula Recto Station papuntang LRT-1 Doroteo Jose Station.
Dahil dito, pinaalalahanan ng LRTA ang mga pasahero, sa ibaba o sa kalsada muna dumaan habang isinasaayos pa ang nasabing tulay.