Balik normal na muli ang operasyon ng Light Rail Transit o LRT Line 1 na biyaheng Recto sa Maynila hanggang Antipolo sa Rizal.
Ito’y makaraang magpatupad ng provisional operations ang naturang mass transit mula Pureza hanggang Antipolo at pabalik.
Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA, bunsod ng nangyaring sunog sa carriageway sa pagitan ng Pureza at Legarda stations’.
Sa kasalukuyan ay mayruong 8 tren na binubuo ng 32 bagon ang bumibiyahe ngayon in full operations at may headway itong 10 minuto. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)