Lilimitahan lamang ang bilang ng mga pasaherong pasasakayin sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) kapag nakabalik na ang mga ito sa operasyon.
Ito ay sa oras namang tanggalin na ang enhanced community quarantine (ECQ) at payagan na ang pagbabalik operasyon ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila.
Ayon kay transportation undersecretary Artemio Tuazon Jr., dalawampung porysento lamang ng kabuuang kapasidad ng bawat set ng tren o katumbas ng isang daan at animnapung pasahero ang papayagang makasakay.
Samantala, sinabi ni Tuazon na tanging mga bus at modernong jeepney ang paunang papahintulutan na makapamasada sa mga lugar na isinailalim na sa gcq o general community quarantine simula ngayong araw.
Gayunman, sakaling hindi naman aniya kayanin ng mga ito ang dami ng mga mananakay, saka lamang papayagan ang pag-ooperate ng mga ordinaryong jeep, susundan ng tnvs at taxi basta’t masusunod aniya ang social distancing.