Magbabawas ng oras ng operasyon ang Light Rail Transit 2 (LRT2) ngayong panahon ng kapaskuhan.
Sa abiso ng LRT2, iikli ang kanilang operating hours sa ika-24 at sa ika-31 ng Disyembre ngayong taon dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng mga pasahero sa mga naturang araw.
Dahil dito, hanggang alas-8 na lamang ng gabi ang huling biyahe ng LRT2 mula Cubao station sa Quezon City (westbound) at Recto station sa Maynila (eastbound) sa darating na ika-24 ng Disyembre.
Samantala, alas-7:30 naman ng gabi lalarga ang last trip ng mga naturang istasyon sa darating na ika-31 ng Disyembre.
TAKE NOTE: The LRT-2 System will reduce its operating hours on Dec. 24 & Dec. 31, 2019 in anticipation of a significant decline in ridership and to allow our station/security personnel to celebrate Christmas & New Year’s Eve with their families. Happy holidays! #LRT2HolidaySched pic.twitter.com/BMNwTZ4Llr
— LRT2 (@OfficialLRTA) December 16, 2019
Ang pagbabago sa schedule ng LRT2 ay upang bigyang daan ang kanilang mga station at security personnel na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon na kapiling ang kani-kanilang mga pamilya.