Pansamantalang itinigil ang operasyon ng Light Rail Transit line 2 dahil sa problema sa signaling system.
Ayon kay LRT Authority Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na code red o temporary stop operations ang ipinatupad sanhi ng technical issue.
Naapektuhan nito ang operasyon ng Recto station hanggang Antipolo station vice versa.
Samantala, humingi ng paumanhin ang pamunuan sa mga pasahero matapos maabala dulot naturang ng insidente.