Pansamantalang natigil ang operasyon ng LRT 2 matapos magka problema sa signaling system nito.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), naapektuhan ang operasyon ng LRT 2 mula Recto hanggang Antipolo stations at pabalik kaninang alas siyete ng umaga.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRT 2 sa nangyari kasabay nang agarang pag resolba sa problema.