Inamin ng Light Rail Transit Authority o LRTA na wala itong disaster recovery plan kasunod ng nangyaring pagkasunog ng power rectifiers ng LRT – 2.
Sa naging meeting ng House Committee on Transportation, inamin ni LRT Line 1 and 2 Engineering Department Manager Federico Canar na wala silang disaster recovery playbook na maaring maging gabay nila sa mga emergency scenario.
Sinabi naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na nakalulungkot na wala nito ang LRT 2 lalo’t maraming emergency ang maaring mangyari ito man ay manmade o natural cause.
Sa kabila nito, sinabi naman ni LRTA Spokesman Hernando Cabrera na mayroon silang risk management plan sakaling magkaroon ng terrorist attack, derailment, train collission at iba pa.