Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang mga bakunadong pasahero ng LRT line 2 ay dapat magpakita ng dokumento bago makasakay sa tren.
Kabilang dito ang physical o digital copy ng vaccination card o vaccination certificate mula sa Department of Health (DOH).
Samantala, ang mga hindi sakop ng “No Vaccination, No Ride” Policy ng department of transportation ay kailangang magpakita ng mga sumusunod:
Medical certificate na pirmado at may contact number ng mga doctor at barangay health pass.
Matatandaang magsisimula ang pagpapatupad ng naturang polisiya sa Enero 17.—sa panulat ni Airiam Sancho