Pinalawig ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang operating hours ng LRT2.
Batay sa abiso, sinabi ng lrta na simula ngayon araw upang mas maraming pasahero ang maserbisyuhan ng LRT2.
Mula sa orihinal na iskedyul na 8:30pm , aalis ito sa Antipolo station ng alas-9 ng gabi.
Gayundin, aalis ang huling commercial train mula sa Recto station ng 9:30 ng gabi mula sa naunang alas nuebe ng gabi.
Ang 17 kilometrong LRT2 ay mayroong 13 istasyon , mula Recto Avenue sa Maynila hanggang masinag sa Antipolo, Rizal.