Muling tumanggap ng parangal ang Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil sa mahusay at epektibo nitong serbisyo.
Kinilala ng Philippine Railway Institute ang LRTA bilang “top performing railway operator” sa kanilang 3rd Founding Anniversary sa LRT-1 Command Center sa Pasay City.
Iginawad sa ahensya ang parangal matapos nitong makamit ang pinakamataas na passing rate sa Comprehensive Examination for Competency Requirement for Railway Personnel ngayong taon.
Pinasalamatan naman ng pamunuan ng LRTA sa pangunguna ni Administrator, Atty. Hernando Cabrera ang mga kawani ng LRTA dahil sa dedikasyon sa pagseserbisyo. —sa panulat ni Hannah Oledan