Sumuko na sa tanggapan ng Provost Marshal General sa Armed Forces of the Philippines o AFP si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgar Arevalo, alas dose ng January 3 nang pumunta ito sa kampo kasama ang kanyang kapatid na babae.
Sinabi ni Arevalo na maliban sa petition for custody, agad din nilang kinunan ng mga requirements katulad ng finger prints, mug shots at physical examination si Marcelino.
Habang nasa kustodiya ng AFP, pansamantalang ikukulong si Marcelino sa AFP Custodial Center.
By: Katrina Valle / Jonathan Andal