Nakapili na ng bagong hepe ng Philippine National Police si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y si Police Lieutenant General Dionardo Bernardo Carlos.
Papalitan ni Carlos si PNP Chief General Guillermo Eleazar na nakatakdang magretiro sa Nobyembre a-13.
Samantala, si Carlos ang magiging ika-27 na hepe ng PNP at pang-7 na hepe sa ilalim ng Administrasyong Duterte. —sa panulat ni Airiam Sancho