Itinalaga na ni PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar si Police L/Gen. Dionardo Carlos bilang the chief directorial staff na siyang ika-apat sa pinakamataas na opisyal ng pambansang pulisya.
Mababatid na si Carlos ay kasalukuyang commander ng PNP director for Integrated Police Operations (IPO) Visayas.
Bago pa nito, si Carlos ay nagsilbi ring dating tagapagsalita ng pambansang pulisya.
Si Carlos na miyembro ng PMA Maringal Class of 1988 ay itinalaga sa pwesto matapos na iniangat naman sa ikalawang pwesto si L/Gen. Joselito Vera Cruz bilang the deputy chief for administration.
Habang si L/Gen. Israel Ephraim Dickson naman ay itinalagang the deputy chief for operations na tinuturing na ikatlo sa command ng PNP.
Mababatid na sina Vera Cruz at Dickson ay pawang miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987 gaya ng kasalukuyang lider ng pambansang pulisya.