Itinalaga bilang bagong AFP chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines si Lt. Gen Eduardo Año.
Papalitan ni Año ang magreretirong si Gen. Ricardo Visaya sa gaganapin na turn over ceremonies mamayang hapon.
Ayon sa isang source mula sa Malacañang, napirmahan na ng pangulo ang appointment papers nito.
Si Año ay pinangalanang commander general ng Philippine Army noong Hulyo 2015 kung saan ay naging kilala rin ito sa pag-aresto ng mga malalaking lider ng komunista.