Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Lt General Jose Faustino bilang susunod na Hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Papalitan ni Faustino si General Crilito Sobejana na nakatakdang mag-retiro bukas, Hulyo 31 kung kailan din gagawin ang change of command sa Lapu-Lapu Grandstand sa Kampo Aguinaldo.
Si Faustino ay kasalukuyang Commander ng Joint Task Force Mindanao at Dating Acting Commanding General ng Philippine Army at Eastern Mindanao command.
Ayon kay AFP Spokesperson Navy Captain Jonathan Zata, ang karanasan at sigasig sa paglilingkod ni Faustino ang nagbigay daan dito para pamunuan ang militar.
Kabilang dito aniya ang misyon ng AFP para makamit ang pang matagalang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.