Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang change of command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw.
Pormal na uupo bilang bagong AFP Chief of Staff si Lt/Gen. Felimon Santos kapalit ni Gen. Noel Clement na magreretiro kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan.
Gagawin ang change of command sa Tejeros Hall ng Armed Forces Commissioned Officers Club (AFPCOC) sa loob ng Kampo Aguinaldo, Quezon City ganap na alas kuwatro mamayang hapon.
Bago mahirang bilang bagong hepe ng hukbong sandatahan ng Pilipinas, nagsilbi munang pinuno si Santos ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom).
Si santos ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sinagtala” class of 1986 na nagpakadalubhasa sa intellegence gathering at civil military operations.
Una nang nagpaabot ng kaniyang pagbati sa kaniyang “mistah” si PNP officer in charge P/LtG. Archie Francisco Gamboa na inaasahang dadalo rin sa nasabing okasyon.