Seniority ang ikinunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte upang italaga si Lieutenant General Rey Leonardo Guerrero bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kung mayroon mang iba pang dahilan ng pagkakapili kay Guerrero ay ang Pangulo na ang nakaaalam nito na dapat irespeto.
Bukod sa seniority, mayroon din aniyang tiwala at kumpiyansa mismo ang Commander-in-Chief lalo’t nagsilbing hepe ng Task Force Davao si Guerrero noong 2010.
Dati ding itinalaga sa Presidential Security Group o PSG si Guerrero noong panahon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo.