Aminado ang Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) na hirap silang ipatupad ang covid-19 protocols kaugnay sa nalalapit na Undas 2022.
Ayon sa LTFRB, bugbog ngayon ang kanilang ahensya sa mga dokumento o aplikasyon para special permit ng mga bus na bumibiyahe papunta at pabalik sa mga probinsya para sa mahabang bakasyon ngayong all saint’s day at all souls’ day.
Sinabi ng ahensya na bumabalik umano ang kumpiyansa ng mga biyahero kung saan, nagiging kampante ang mga ito sa kanilang pag-lalakbay.
Iginiit ng LTFRB, na hamon para sakanila ang pagpapatupad ng health protocols partikular na ang tamang pagsuot ng facemask para masiguro ang maayos na kalusugan at kaligtasan ng bawat isa.
Samantala, muli namang ipinaalala ng ahensya, na magsasagawa sila ng surprise inspection sa mga terminal hubs kasabay ng paggunita ng Undas 2022.