Tiniyak ng LTFRB na maayos ang pasilidad ng mga terminal sa bansa kasabay ng pagdagsa ng mga pasaherong uuwi ng probinsya ngayong Semana Santa.
Kasunod ng pagpupulong ng LTFRB sa mga kinatawan ng LTO, MMDA, I-ACT, PNP-HPG, at mga LGUs sa Metro Manila, sinimulan na ang paghahanda sa ‘Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa’ na magsisimula sa April 8 hanggang April 18.
Dahil dito, agad pinaigting ang seguridad sa mga terminal kung saan bubuhos ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Naglagay na ng Malasakit Help Desks na gagabay sa mga pasaherong bibiyahe ngayong Semana Santa.
Base sa inilabas na Memorandum Circular No. 2021-051, ang mga sumusunod na Integrated Terminal Exchange ang pinapayagan na magbaba at magsakay ng mga pasahero:
- North Luzon Expressway Terminal (NLET)
- Paranaque Intergrated Terminal Exchange (PITX)
- Santa Rosa Integrated Terminal (SRIT)
- Araneta Center Terminal
Pinapayagan ang mga provincial bus na gamitin ang kanilang private terminal base sa window scheme na ipinatupad ng MMDA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. —sa panulat ni Abby Malanday