Sinisi ng dalawang ahensya ng gobyerno ang mga provincial bus operators dahil sa pagkakalito ng mga pasahero sa ipinatupad na window-hour scheme.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), “sinabotahe” ng nasabing bus operators at ginawang hostage ang mga pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang kahulugan sa naturang patakaran.
Aniya, maaari namang bumiyahe ang mga provincial bus sa umaga, ngunit nag-iskedyul lamang ang mga operator ng biyahe sa gabi.
Ginawa ni Cassion ang pahayag matapos maglabas ng travel advisory ang ilang provincial bus companies na nagsasabing ang departure at arrival sa terminal nila sa Metro Manila ay mula 10 ng gabi hanggang 5 ng umaga. – sa panulat ni Airiam Sancho