Nagbabala sa publiko ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng Vaccination cards kasunod ng implementasyon ng “No vaccination, No ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) na sisimulan ngayong araw, January 17.
Ayon kay LTFRB-NCR Director Zona Tamayo, tanging ang mga vaccinated individual at mga hindi pa nabakunahan pero may Barangay Health Pass o Medical Certificate ang papayagang sumakay sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Tamayo na itinuturing na Criminal Offense ang paglabag sa naturang panukala kung saan, mahaharap sa parusa ang mga violator.
Pagmumultahin mula P500 hanggang P5K o maaaring makulong ng hanggang 6 na buwan habang bibigyan naman ng warning o babala ang mahuhuli sa unang linggo ng bagong patakaran. —sa panulat ni Angelica Doctolero