Blangko umano ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa itinaas na 2% fare commission na kinakaltas ng Grab sa kanilang partner drivers, na nasa app ng naturang transport network vehicle service (TNVS).
Disyembre a – 1 nang ipatupad ng Grab ang mas mataas na komisyon na kinakaltas sa kita ng TNVS drivers.
Ayon sa LTFRB, ang fare adjustment lamang ang pinayagan nila para sa mga pampasaherong sasakyan at ang 2% commission ng Grab ay kasunduan lamang sa kanilang TNVS partners.
Ito ang ipinaliwanag ng ahensya sa kanilang pagharap sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development.
Sa nasabing hearing, iginiit ni Jun De Leon ng grupong laban ng tnvs na dahil sa itinaas na 2% na komisyon, aabot na sa labindalawa hanggang labing-anim na oras nang nagmamaneho ang mga driver para lamang kumita sa kada pasada.