Sinampahan ng reklamo ni Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) Board Member Atty. Aileen Lizada ang tatlong (3) tauhan ng tanggapan ng kanilang chairman.
Kaugnay ito sa pagpapatupad ng omento sa pasahe sa mga pampublikong jeepney sa Iloilo nang walang otorisasyon.
Grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang inihaing reklamo ni Lizada sa Office of the Ombudsman laban kina Manolo Labor, chief of staff ni LTFRB Chairman Martin Delgra, Rose Gener at Angelo Afante.
Ayon kay Lizada, kanya pang nirereview ang P2.50 na fare hike petition sa iloilo pero kinuha umano ng tatlong nasabing staff sa kanyang opisina at inaprubahan nang sila-sila lamang.
Iginiit pa ni Lizada, minadali ang desisyon sa nabanggiot na fare hike at hindi naaayon sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Economic and Development Authority (NEDA) na P1.50 lamang.
“Hindi lang ho pasahero ang maapektuhan meron ho itong domino effect sa iba-ibang mga serbisyo. Kaya nga ho nilalabas ko na itong complaint ito para hindi na maulit yung mga ginagawa ng chief of staff ng office ng chairman na bumibira lang ng order without, walang authority galing sa akin, walang permiso. Wala na ho respeto pag ganyan na po kailangan na ho nating aksyunan hindi na ho tayo papayag sa mga ganyan klaseng tao na manilbihan sa gobyerno.” Pahayag ni Lizada.