Balik operasyon na muli bukas, Hulyo 20, ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office matapos na isara at tigil operasyon nito para i-disinfect makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang ilang empelyado nito.
Sa abiso ng LTFRB, hinihikayat nito ang mga stakeholder na mag-online transaction sa mga sumusunod:
- request for special permit;
- correction of typographical error;
- request for confirmation of unit/s;
- request for franchise verification;
- request for issuance or extension provisional authority;
- legal concerns o query on hearing schedule, maging ang mga stautus nito.
Habang sa mga nasa NCR ang records, maaring gawin ang transaksyon sa pamamagitan ng Public Transport Online Processing System (PTOPS).