Pansamantalang isinara ang central office ng LTFRB sa East Avenue, Quezon City simula kahapon matapos tamaan ng COVID-19 ang labing-apat sa kanilang empleyado.
Ayon sa LTFRB, magsasagawa sila ng malawakang disinfection habang limang araw na walang pisikal na transaksyon sa publiko at suspendido ang trabaho ng kanilang mga frontliner.
Gayunman, nilinaw ng ahensya na ang central office lamang ang tigil-operasyon at patuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng LTFRB NCR-office sa pamamagitan ng public transport online processing system.
Maaari ring gamitin ang 24/7 public assistance desk hotline 1342 upang tumanggap ng mga tawag mula sa publiko.—sa panulat ni Drew Nacino