Ititigil muna pansamanta ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap nito ng mga walk-in transactions sa Central at NCR offices nito.
Ang kautusan ay bunsod ng muling pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula ngayong araw, a-4 ng Agosto hanggang a-18 ng Agosto.
Kasunod nito, magpapatupad ng skeletal workforce at work-from-scheme ang ahenysa.
Bukod pa rito, magpapatuloy naman ang online transactions kung saan pwedeng gawin ang mga sumusunod na request:
- Request for Special Permit;
- Correction of Typographical Error;
- Request for Confirmation of Unit/s;
- Request for Franchise Verification;
- Request for Issuance or Extension Provisional Authority;
- Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, AT Status.
Samantala, maaari namang makita sa website ng LTFRB ang buong detalye sa pagproseso ng iba’t-ibang request.