Idinepensa ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pasya nilang patawan ng isang buwang suspension ang operasyon ng Uber.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, kung tutuusin ay kanselasyon ng accreditation ang parusa sa patuloy na paglabag ng Uber sa kanilang kautusan na itigil muna ang pagproseso ng karagdagang aplikante sa kanilang sistema.
Subalit dahil anya sa isinasa-alang alang nila ang kapakanan ng mga mananakay ay pinagaan na lamang ito sa suspension.
Sinabi ni Delgra na sakop rin ng suspension ang mga lugar na mayroong gumagamit ng Uber app tulad ng Cebu at Bacolod.
“By their own admission, Uber said that they are still accepting, ibig sabihin pinopondohan nila yung pool of drivers, even that we prohibited, that was very clear in our July 26 order, kasi nung nalaman namin na marami na pala, na may mga gusto nang umutang sa bangko, magsanla ng lupa para lang makakuha ng sasakyan, they were not telling na kailangan nilang kumuha ng prangkisa sa LTFRB, kahit walang prangkisa ay ina-activate nila, they are already trying to raise fall expectations on the part of the TNVS na puwedeng pumasada kahit walang prangkisa.” Ani Delgra
Samantala, binalewala ni Delgra ang tila galit na reaksyon ni Senador Grace Poe sa pagsuspindi nila sa Uber.
Ayon kay Delgra, inaasahan na nila ang ang mga political reactions na tulad ng kay Poe.
Gayunman, tiniyak ni Delgra na patuloy ang ginagawa nilang pag-aayos sa mga panuntunan para sa application based transport system tulad ng Uber at Grab.
“Ang statement po ng Uber na sinabi na the fight isn’t Uber, sasabihin ko na sa lahat na hindi away ito, we just want everybody to be compliant, it is not about any fight for anyone’s cause it is about having to comply, by their own admission they said that they will comply, so it’s not about any fight please, don’t give me those damn excuses.” Pahayag ni Delgra
By Len Aguirre | Ratsada Balita Interview