Dudulog muna ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa NEDA o National Economic Development Authority kaugnay sa tamang halaga ng pasahe na hinihiling ng mga transport group bunsod ng pagpapatupad ng tax reform for acceleration and inclusion o TRAIN law.
Ayon kay LTRFB spokesperson at board member Atty. Aileen Lizada, makakatulong sa nakatakdang pagdinif kaugnay sa petisyon ng fare hike ang NEDA.
Dagdag pa ni Lizada mahalagang mapag aralan itong mabuti upang maging mapatas din sa publiko ang halagang idagdag sa pamasahe.
Magugunitang humirit ng taas pasahe ang Grab Philippines, taxi operators na Philippine National Taxi Operators Association at Pasang Masda.
Bukod dito, nagbabalak na rin ng maghain ng petisyon para sa dagdag singil sa pasahe ang ilang city bus operators.