Inamin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na marami pa ring mga abusadong taxi driver ang naglipana sa lansangan.
Sa kabila nito, sinabi ng board member ng LTFRB na si Atty. Antonio Ariel inton sa Dwiz na hindi sila titigil sa pag-disiplina sa mga ito.
“Hindi naman kami titigil sa pag disiplina ng mga ‘yan kaya ang ginagawa natin suspension na agad para madala na dahil kapag hindi nilagyan ng ngipin ang pagdidisiplina, paulit ulit n alang po at ang ating mga mananakay ay nabibiktima.”
Samantala, nagbabala rin si Inton sa mga operator na tatanggap sa mga taxi driver na napatunayang nagkasala.
“Kapag tinaggap yan ng ibang operator bahala sila kung ganyan ang ugali ng driver. Mayroon kaming pinasa sa board na driver’s badge driving program sa PUV. Ang driver’s badge, nandito ang driving history ng driver,” paliwanag ni Inton.
By: Allan Francisco