Nanindigan ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang paghahanda para sa transport modernization program ng pamahalaan.
Sa kabila ito ng bantang kilos protesta ng PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide laban sa tanggal bulok tanggal usok campaign ng pamahalaan.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, hindi sila papatinag sa PISTON at iginiit na paunang hakbang pa lamang anila ang pag-aalis sa mga kakarag karag na mga sasakyan sa lansangan.